Plokkers Global Forum

ARNEL WALANG BALAK KUMALAS SA JOURNEY
By: Chan-Chan Torres
People's Journal - Entertainment: November 06, 2009 06:40 AM Friday
Eksenadora

MALAKING karangalan para sa amin na makausap si Arnel Pineda, mas kilala bilang lead vocalist ng international band na Journey.

Sa pagbubukas ng Empire Lounge and Taboo Room, na matatagpuan sa Bldg. 2 Home Depot Complex, Julia Vargas, Pasig City, ay naging espesyal na panauhin si Arnel at talagang bibilib ka sa magiging down-to-earth ng sikat at maga-ling na singer.

Game na sinagot ni Arnel ang mga tanong ng entertainment press at habang tinitipa namin ang kolum na ito ay nakaalis na ang internatio-nal star patungong Oakland, USA para sa series of shows doon.

Sikat na sikat na si Arnel ngayon lalo na sa Amerika, patunay ang standing ovation na bi-nibigay sa kanyang performances.

Ayon nga kay Arnel, malaki ang utang na loob niya sa Journey na nagtiwala at naniwala sa kanyang kakayahan.

Inamin din ni Arnel na laki siya sa lansangan bago naengganyo ng isang kaibigan na mag-audition para sa isang singing contest.

“Laki ako sa bangketa, lagi akong pagala-gala sa Luneta noon,” bungad na kuwento ni Arnel.

“Naranasan kong hindi kumain ng tatlong araw. Naranasan kong kumain ng tira-tira, nakikitulog ako sa labas ng bahay. May mga tumulong naman sa amin, kasi ako, I went on my own, eh. Para hindi na ako makabigat sa father ko, I went on my own na,” dagdag pa ni Arnel.

Bata pa lang daw si Arnel ay sobrang hilig na niyang kumanta.

Kahit mahirap ang bu-hay niya noon ay hindi siya tumigil mangarap.

Hanggang sumali siya sa singing contests at doon na nagsimula ang oportunidad para sa kanya, kahit hindi siya gaano kasigurado that he will make it this big.

Aminado rin si Arnel na nahirapan siyang mag-reach out noon sa Pinoy audience dahil iba ang demand sa singers dito sa atin.

Aware din si Arnel na mas hinahanap ng Pinoy audience ang magandang packaging ng isang singer.

Na-disappoint ba siya sa ganitong kalakaran dito sa atin?

“Hindi naman. Siguro iba lang talaga ang gusto ng audience natin dito at nagkataong iba rin ang hinahanap ng mga tao sa abroad. Doon kasi basta, maganda ang boses mo, magaling ka mag-perform, they appreciate you na ta-laga,” sagot ni Arnel.

May usap-usapan din na balak daw ni Arnel na mag-solo at kung totoo man ito, paano na ang grupong Journey?

Pero ayon sa singer, hindi totoo ang balitang aalis siya sa grupo.

With all gratitude ay sinabi ni Arnel na hanggang kailangan siya ng banda ay hindi niya sila tatalikuran.

Isa kasi ang Journey sa naging inspirasyon ni Arnel sa pagkanta at paborito rin niya ang Queen, Beatles at ilang rock bands na kilala sa buong mundo.

Share

Reply to This

Replies to This Discussion

Thanks for sharing,ARNEL IS FOR JOURNEY

Reply to This

Salamat. any news about Arnel is news specailly to this site. Actually, this site is more user friendly that the official Arnel Pineda Website. For some reason, i love it here. So simple to navigate and see news about the Idol.

Reply to This

mas sikat si arnel with the band journey.journey made him famous!!!!

Reply to This

Tama si Arnel sa pinas kahit boses plaka kinikilig ang mag audience.Lalo na kpag guapo nku!! kahit walang "K" sa pagkanta.Ewan kuba bkit ganyann sa atin kya hindi umaasenso ang bansa natin.Ayon dahil sikat na siya gini guest na sa ibat ibang Tv show.Tama din siya d 2 sa states basta may talent wala silang pakialam ke guapo ka o hindi,lalo na ang mga Caucasian tlagang naaapreciate nila kapag maganda ang boses mo.At saka ang mga pinoy ang tatamad pumalakpak hindi tulad ng mga cauc. talagang pumapalakpak ng husto.Kaya sikat na sikat d 2 sa States si AP.O ano ngayon dahig niya lahat ng singers sa atin,sila pinoy lang ang nakakakilala sa knila,samantalang kay AP all over d world at ibat ibang lahi kilala siya.Hindi lang iyon imagine more than 60 cities concert in a yr.

Reply to This

"Tama si Arnel sa pinas kahit boses plaka kinikilig ang mag audience.Lalo na kpag guapo nku!! kahit walang "K" sa pagkanta.Ewan kuba bkit ganyann sa atin kya hindi umaasenso ang bansa natin."

Kasi culturally tayong mga Pinoy ay masyadong image conscious. Hinuhusgahan natin ang tao palagi primarily on the basis of physical appearance alone. Akala kasi ng karamihan satin pag maganda or gwapo sa panlabas e magaling na. Funny but I usually hear some folks comment na "Magaling sana raw si Charice kaso lang di siya maganda".Are you kidding me! These people are so ignorant they can't even distinguish between a world class singer and a beauty queen.

Sad to say but mababaw talaga ang standards ng Pinoy masa in general. They usually choose "Form" over "Substance" ika nga. Sabi nga ng isang showbiz insider basta maganda/gwapo ka kahit hindi masyadong talented pasok na yan sa panlasa ng mga Pinoy.

Reply to This

Neal Schon selected AP as their frontman, so is AP selected Journey as his journey forever. He's best to be with journey > he shall have his compositions ready for their next album.

If he doesn't have it > i'll write for him.hehehe.

Reply to This

We cant change the fact that our entertainment industry has certain qualification sa talent. It was deep rooted from the beg., di ba ang mga artista nuon kailangan mga mestisa at mestiso, na break lang ito ni Nora Aunor but the fact remains that we are still tied to that colonial mentality, of course maganda naman talaga tingnan ang mga beautiful faces in the screen, sadly it was stadardize already, sa comedy lang naman nakaka score ang mga ngetpa! at mga bading kasi nakaktawa nga! but in serious genre wala, ito na ang sistema eh, so talagang deskarte nalang para sa mga gaya ni AP. Of course hes not bad looking but his no match for the hunk looking Dindong Dantes, Piolo, Sam etc.

Reply to This

Yun na nga e. Dapat lang siguro we should also know how to distinguish the difference between a model and a singer. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay dinadaan sa pagandahan o pagwapuhan. Kung model ka or beauty queen dapat lang na maganda o pogi ka obviously pero ano naman ang kinalaman ng pagiging gwapo sa kagalingan sa pagkanta?

Tingnan niyo ang mga icons of the music industry like Michael Jackson, Tina Turner, Aretha Franklin, Stevie Wonder, Ray Charles, etc. si naman sila mga mukhang model pero dahil sa pambihirang talent nila sa pagkanta sila ay tinuturing icons ng industriya. I'm sure kung sa Pilipinas yang mga yan ipinanganak hindi sila kailanman mapapansin.

Reply to This

cisco5160----excuse me ha. gwapo si arnel pineda huh.mas guwapo naman siya kay martin nievera ha. and to compare with sam milby,piolo p and dingdong dantes na bold star please ha. ang laking tanda naman ni arnel but lookk at him mukhang bata sa kanila ha.

Reply to This

may tama ka d2....sa ganitong usapan, palakasan na yan, or you must be a certain network's homegrown talent para ipromote kang mabuti at pasikating maigi...kanya-kanyang star discoveries ang mga network d2 sa pinas, so pag di ka laking kapuso/kafmily eh singit/ waitlsted ka lang sa kanila o partimer ka lang and definitely you'll have lesser promos kahit magaling ka pa sa mga homegrown talents kuno nila...but if you're really a hit sa masa, like pacman...eh pag-aagawan ka pa at pilit kang gagawing talent nila kahit wala kang talent..hehehe!!!

Reply to This

RSS

About

Admin Rodel Admin Rodel created this Ning Network.

WORLD TIME

Manila


Los Angeles


London


Santiago


New York

Members

  • The Next Big Thing
  • dianne
  • Noel Bellen Samar
  • macky
  • Lori Van Scoten
  • Kristien De Wulf
  • tera scott
  • Jim Pineda
  • Ken Otto
  • Dean Guzman
  • Jenny Medina
  • Arthur Villanueva
  • Unknown
  • Tita Pat
  • lynn filio

© 2009   Created by Admin Rodel on Ning.   Create a Ning Network!

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service

Sign in to chat!

View Stats (Since July 2008)